Posted November 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plantsado na umano ang ipapatupad na seguridad ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) sa isla ng Boracay ngayong papasok na peak
season.
Ito ang sinabi ni Boracay police chief Senior Inspector
Fidel Gentallan, sa panayam ng YES FM Boracay.
Ayon kay Gentallan, nagsisimula ng dumagsa ang maraming
turista sa Boracay kung saan inaasahang dadami pa umano ito sa pagpasok ng
buwan ng Desyembre at ng Holiday season.
Dahil dito, tuloy-tuloy umano silang nagsasagawa ng
operation sa buong isla ng Boracay katulad ng foot patrol at bike patrol kasama
ang ibang mga law enforcers sa isla.
Maliban dito mahigpit umano nilang ipinapatupad ang
“Oplan Lambat Sibat” kagaya ng pagkakaroon ng checkpoint gabi-gabi at ang Oplan
operation bakal.
Samantala maliban umano sa beach front ay may mga
nakatalaga ring mga pulis sa Yapak kabilang ang Puka beach, Cagban Port at back
beach kung saan katuwang nila rito ang PNP Maritime Police.
No comments:
Post a Comment