Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw ng Miyerkules nakatakdang sumailalim sa
evaluation ang Local Government Unit (LGU) Malay.
Ito ay pamumunuan ng Department of Interior and Local
Government (DILG) Region 6 para sa pagkakakuha ng nasabing bayan ng Seal Of
Good Local Governance ngayong 2015.
Kaugnay nito nagkaroon naman ng evaluation kahapon ng
umaga si Malay DILG Officer Mark Delos Reyes sa mga department heads ng LGU
Malay at ng iba pang departamento na sakop ng nasabing bayan.
Nabatid na ang naturang evaluation ay para malaman kung
paano naisasaayos ang mga dokumento ng LGU Malay at upang alamin kung anong mga
ordinansa ang naipasa ng Sangguniang Bayan para sa nasasakupan nito.
Ang Seal of Good Local Governance ay patunay na ang isang
bayan ay maaayos na naisasagawa ang tungkulin para sa mamamayan at maayos na naglilingkod
bilang isang gobyerno.
No comments:
Post a Comment