Posted October 14, 2015
Ni Inna Caro L. Zambrona, YES FM Boracay
Lumabas na negatibo sa ginawang eksaminasyon ng Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Paralytic Shellfish Poison ang bayan
ng Sapian Bay sa Capiz at Batan sa Aklan.
Base sa ginawang resulta ng red tide monitoring
activities ng BFAR at ng Local Government Unit (LGU) wala umano silang nakikitang
Poison sa ginawa nilang eksaminasyon sa mga nasabing lugar.
Sa kabila nito, sinabihan narin ng mga ito ang publiko na
ligtas na ang dalawang probinsya na kumain ng nasabing shell na siya namang
pangkabuhayan ng mga ito.
Matatandaang ipinatigil ang paag-angkat at pagkain ng
shellfish sa mga nasabing probinsya dahil sa nakitaan umano ito ng red tide.
Samantala, patuloy naman ang pag-monitor ng BFAR at LGU
sa Sapian Bay para maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan gayundin sa
shellfish industry.
No comments:
Post a Comment