Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa umano tiyak kung kailan magbubukas ang bagong
gawang pumping station ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
(TIEZA) sa Bulabog, Boracay.
Ito’y matapos umanong magkaroon ng problema ang drainage
system ng TIEZA papunta sa nasabing pumping station dahil sa nadiskobreng mga
illegal na linya mula sa mga bahay at estabalisyemento na papuntang drainage.
Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay
Redevelopment Task Force, hindi agad-agad magbubukas ang nasabing pumping
station dahil sa mga pasaway na illegal na nag to-top sa drainage ng kanilang
mga dumi.
Samantala, kahapon ay nagsagawa sila ng meeting kasama
ang TIEZA official’s para hanapan ng solusyon ang naturang problema.
Nabatid na ngayong alas-dos ay muling nakatakdang
makipaharap si Gelito sa TIEZA para sa final solution matapos ang kanilang
ginawang working plan.
Sa ngayon nararanasan parin ang pagbaha sa ilang area sa isla
ng Boracay dahil sa hindi naayos na mga drainage system.
No comments:
Post a Comment