Posted October 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na ngayon ang bagong Aklanon lane sa Caticlan Jetty
Port bilang paghahanda sa peak season kung saan inaasahan ang pagdagsa ng
maraming turista sa Boracay.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, ihihiwalay na umano ang mga Aklanon at mga manggawa sa Boracay sa
mga linya ng mga turista.
Naglaan umano sila ng linya na mayroong turn style
(Machine), kasama na ang ticketing booth sa gilid kung saan kukuha ang mga
Aklanon ng umanoy gate pass o ticket na may bar code na siya namang susuriin ng
machine.
Maliban dito kailangan din umanong ipakita ng mga Aklanon
o manggawa sa Boracay ang kanilang mga Identification card (I.D) na siyang
nagpapatunay na sila ay residente ng Aklan o mga workers sa isla.
Samantala, nakahanda na rin ang ibang mga pasilidad sa
Caticlan Jetty Port kabilang na ang luggage x-ray machine sa inaasahang pagdami
ng mga turistang magbabakasyon sa Boracay lalo na ngayong Undas at sa nalalapit
na Holiday Season.
No comments:
Post a Comment