Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Gusto na rin
ngayong pasukin ng Philippine Sports Commission ang isla ng Boracay para sa mga
kabataang may potensyal sa larangan ng ibat-ibang klaseng laro.
Sa 35th Regular
Session ng Malay nitong Martes tinalakay sa
Committee report ang nasabing usapin kaugnay sa request ng Municipal
Mayor para sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PSC sa implementasyon
ng Laro’t Saya Boracay Project.
Ayon kay SB
Member Rowen Aguirre ito umano ay gagawin sa beach area ng station 3 sakaling
maaprobahan ito ng local body.
Sinabi din nito
na nais ng taga PSC na makita ang kakahayahan ng mga kabataan sa Boracay na
maaaring ipanlaban sa ibat-ibang bansa.
Samantala,
nakatakda pa itong pag-aralan ng Konseho kung saan nais din nilang pabaguhin
ang nasabing committee report para mabigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan
sa mainland Malay.
No comments:
Post a Comment