Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa sa mga problema ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa
Boracay ang mga motorsiklong may modified muffler na lumilikha ng matinding
ingay.
Ayon kay Municipal Auxiliary Police o MAP Deputy Chief
Rodito Absalon, patuloy umano ang kanilang kampanya laban dito upang masugpo
ang mga pasaway na mayroong modified muffler sa kanilang motorsiklo.
Sa ngayon umano ay panaka-naka nalang silang nakakahuli
ng mayroong modified muffler kung saan agad umano nila itong hinuhuli at
pinabayad ng 2, 500 peso bilang multa kasabay ng pagkumpiska ng kanilang
motorsiklo.
Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nakatanggap ng reklamo
ang Aklan Police Provincial Office (APPO) tungkol sa mga motorsiklong may
malalakas na muffler sa Boracay.
Dahil dito pinatitiyak naman ni Absalon kung totoo ang
nasabing report para mabigyan nila ito ng agarang aksyon.
No comments:
Post a Comment