Pages

Wednesday, October 07, 2015

Madrasa students, pinaalalahan tungkol sa ordinansa sa mga kabataan sa Boracay

Posted October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinangunahan mismo ni SP01 Christopher Mendoza at P01 Christine Magpusao, PCR PNCOs ng Boracay Tourist Assistance Center ang ginawang school visitation sa Madrasa sa Boracay.

Ito ay para ipaalala sa mga kabataang Muslim ang tungkol sa Municipal Ordinances alinsunod sa kaligtasan at proteksyon sa mga menor-de-edad katulad ng Curfew, pagbabawal na pumasok sa kahit anong disco bars at Computer shop sa oras ng klase.

Nabatid na isa sa layunin ng PCR PNCOs ng BTAC ay ang pagkakaroon ng mga programa sa mga kabataan at sa mga paaralan na sinusuportahan naman ng ibat-ibang stakeholders sa Boracay.

Maliban sa mga kabataang Muslim mahigpit ding binabantayan ng mga pulis ang ilang menor-de-edad sa Boracay na gumagala sa gabi dahil sa ilang insidente ng nakawan sa beach area na kinakasangkutan ng mga kabataan.

No comments:

Post a Comment