Pages

Monday, October 19, 2015

Isla ng Boracay nakakaranas rin ng sama ng panahon dulot ng bagyong Lando

Posted October 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bagyong landoLubog parin ngayon sa tubig baha ang ilang kalsada sa isla ng Boracay dulot ng bagyong Lando na nananalasa ngayon sa ilang lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila.

Dahil sa lakas ng bagyo nakakaranas din ngayon ng sama ng panahon ang Western Visayas partikular ang isla ng Boracay na nasa open sea.

Sa patuloy na pananalasa ni Lando muling lumakas ang hagupit ng Habagat sa Boracay dahilan para maapektuhan ang mga negosyo sa front beach.

Ibat-ibang basura naman ang makikita sa dalampasigan ng isla na tinatangay mula sa mainland at ilang kalapit na isla ng Boracay.

Kaugnay nito muling ibinalik ang biyahe ng mga banga pabalik at papuntang Boracay sa Tambisaan at Tabon port dulot ng malakas na alon sa Cagban Port.

Todo alerto naman ang Coastguard sa paglalayag ng mga bangka kung saan pinatigil parin ng PCG ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat lalo na papuntang Romblon dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Samantala, nabatid na ang lalawigan ng Aklan at mga kalapit na probinsya ay nakakaranas rin ng walang tigil na buhos ng ulan at malakas na hangin.

No comments:

Post a Comment