Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsisimula na ngayong mag-monitor sa presyo ng mga
bilihin partikular sa kandila ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.
Itoy dahil sa nalalapit na ang Undas ngayong Nobyembre 1.
Nabatid na sa susunod na linggo ay bahagyang tataas ang
presyo ng mga kandila, gayundin ang mga bulaklak ayon kay DTI Aklan Provincial
Director, Diosdo Cadena Jr.
Maliban dito nag-paalala naman si Cadena sa mga mamimili
na mag-ingat sa pagbili ng mga kandila na nakakalason at mataas ang mechanical
lead.
Samantala wala pa namang nararanasang pag-galaw ng presyo
ng mga bulaklak sa bayan ng Kalibo ngunit inaasahan ang pagtaas nito sa susunod
na linggo.
No comments:
Post a Comment