Posted October 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinagpaplanuhan na rin ngayon ng Commission on Elections
(Comelec) na magsagawa ng debates para sa mga local candidates ng May 9, 2016
elections.
Ito ang nakatakdang ipatupad ng Comelec National Office
sa pamumuno ni Chairman Andres Bautista na siyang nais itong ipatupad sa
malaking lugar para maihayag ng mga kandidato ang kanilang plataporma.
Ayon naman kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig sakali
umanong maaprobahan na ang pagpapatupad nito ay balak din nila itong gawin sa
bayan ng Malay katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Sinabi nito na sakaling matuloy ito ay nakatakda itong
isagawa bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.
Samantala, nauna ng inaprobahan ng Comelec ang Presidential
at Vice-Presidential debates sa sususod na taon.
No comments:
Post a Comment