Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Duguan ang leeg ng lalaki matapos itong magbigti dahil sa
umanoy may ibang kinakasama ang kanyang asawa sa Brgy. Manoc-manoc Malay,
Aklan.
Nakilala ang biktimang si Michael Bryan Balanding
construction worker sa isang site sa isla.
Ayon sa report ng
isang Security Head na si Philippe John Mijares sa Boracay PNP, may nag-sabi umano
sa kanila na itong biktima ay naliligo na sa kanyang sariling dugo habang
nakahiga.
Nabatid na tinali ng biktima ang kanyang leeg at
binalutan ng tela dahilan para itoy magdugo.
Agad namang pinag-tulungan ng kanyang mga kasama sa
trabaho ang biktima para madala sa malapit na pagamutan pero nag-desisyon din
ang doktor na dalhin ito sa ospital sa bayan Kalibo para mabigyan ng karampatang
medikasyon.
Napagalaman na ang biktima ay may problema sa kanyang
pamilya, na kung saan ang misis nito sa ibang bansa ay may iba umanong
kinakasama.
No comments:
Post a Comment