Posted October 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ihiwalay ang lane ng Aklanon sa mga turista na
pumapasok sa Boracay sa Caticlan Jetty Port may panawagan naman ngayon ang
Jetty Port Administration sa mga Aklanon.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port mahigpit na umano nila ngayong ipinapatupad ang paghahanap ng mga ID
ng mga Aklanon at manggawa sa Boracay kahit nagsasalita pa ito ng linggwahing
Aklanon.
Nabatid kasi na may ilang nagrereklamo kung bakit
hinahanapan parin sila ng ID sa kabila na sila ay residente naman at manggawa
sa probinsya.
Ngunit ayon kay Pontero ito ay isang paraan ng pagbabago
nila ng sistema upang maiwasan ang mga manloloko na ayaw magbayad ng Terminal
at Environmental Fee sa tuwing magbabakasyon sa Boracay kung saan nagpapanggap
ang mga itong residente ng Aklan.
Maliban dito ang ID umano ay kailangang ipakita sa mga
nakabantay ng turn style (Machine) para makakuha sila ng ticket na may bar code
na siyang gagamitin para makapasok sa lane.
Samantala, ang paghihiwalay umano ng linya ng mga Aklanon
sa mga turista ay bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng peak season ngayong
Nobyembre.
Nag lagay na nga sila ng Aklanon, residents at workers lane para mapadali byahe ngayon mahhanap ng ID na ikaw ay taga Aklan, hindi lahat ng ID may address parang ibig sabihin nito lahat ng dumadaan dito ay parang manloloko, at hinaharass ka sa sarili mo ng Bayan...
ReplyDelete