Posted
October 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila nababahala ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa operasyon
ng mga All-Terrain Vehicle (ATV) sa isla ng Boracay.
Ayon kay SB Member Frolibar Bautista, delikado umano kasi
ang lugar kung saan ginagawa ang activity dahil sa bulubundukin ang area at
walang railings ang mga daanan na posibleng ikahulog sa bangin ng hindi
kabisado ang pagmamaneho.
Maliban dito sira-sira na umano ang ilang ATV ngunit
pinapagamit parin ito sa mga turista kahit na delikado para sa kaligtasan ng
kanilang customer.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng inspeksyon ang
Sangguniang Bayan ng Malay kasama ang Municipal Transportation at Licensing
Office sa lahat ng ATV sa Boracay.
Kaugnay nito sinabi naman ni SB member Rowen Aguirre na
kailangan ding ipatawag sa committee hearing ang mga operators nito para na rin
sa safety ng mga turista.
Ang ATV ay isa sa pangunahing island activity sa Boracay na
ginagawa sa Bolabog road papuntang Mt. Luho sa mataas na bahaging lugar ng
isla.
No comments:
Post a Comment