Pages

Wednesday, September 02, 2015

Provincial Government at tatlong bayan sa Aklan, nakapasa sa 2015 Seal of Good Local Governance ng DILG

Posted September 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pumasa ang Provincial Government kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at Malay sa Aklan sa 2015 Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, ito umano ay mula sa assessment na isinagawa noong 2014 na siyang basehan para magkaroon sila ng 2015 Seal.

Nabatid na ang Provincial Government ng Aklan at ang tatlong bayan ay nakapasa sa lahat ng core assessment areas na kinabibilangan ng (Good Financial Housekeeping, Social Protection at Disaster Preparedness).

Kabilang din dito ang minor essential assessment areas na (Business-friendliness at Competitiveness, Peace at Order, and Environmental Management) na siyang batayan para ipagkaloob sa kanila ang Seal of Good Local Governance (SGLG) recipient.

Sinabi pa ni Delos Reyes na bilang passers ng SGLG, ang Provincial Government ng Aklan ay karapat-dapat na ma-access ang Performance Challenge Fund (PCF) sa halagang Pitong milyong piso (Php 7,000,000.00) habang ang bayan ng Ibajay, Malay at Banga ay may karapatan ding ma-access ang Tatlong milyong piso (Php 3,000,000.00) bawat isa.

Samantala, nakatakdang gawaran ng pagkilala ang tatlong bayan at ang Provincial Government ng 2015 Seal of Good Local Governance dahil sa kanilang ipinakitang pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal ngayong buwan ng Setyembre.

No comments:

Post a Comment