Posted
September 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit Aklan forum |
Inilipat na nitong Lunes sa Iloilo District Jail si Maria
Conception “Ka Concha” Araneta Bocala ang Secretary-General ng Communist Party
of the Philippines (CPP) Panay Regional Party Committee.
Ito’y matapos siyang mabilanggo sa loob ng isang buwan sa
Aklan BJMP sa Brgy. Nalook, Aklan simula noong nakaraang buwan ng Agosto 6.
Ayon kay Senior Jail Inspector Jairus Anthony Dogelio,
pinagbigyan umano ng korte ng Aklan ang kanyang mosyon na mailipat ng kulungan
si Bocala sa Iloilo District Jail sa Barangay Nanga, Potatan, Iloilo para sa
mas ligtas na pasilidad.
Si Bocala ay itinuturing na high profile at high valued
inmate ng BJMP matapos maaresto ng mga pulis sa inuupahan nitong bahay sa
Calumpang, Molo, Ilolo City noong Agosto 1.
Nabatid na nahaharap si Bocala sa kasong pagpatay noong
Setyembre 17, 1975 sa Brgy. Panipiason sa bayan ng Madalag, Aklan kung saan
maliban dito may iba pa itong kinakaharap na kaso.
No comments:
Post a Comment