Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagtipon-tipon ang lahat ng mga Law Enforcers sa isla ng
Boracay para sa pagpapaigting ng seguridad lalo na sa front beach area.
Ito ay inorganisa ng Municipal Tourism Office (Mtour)
Malay kasama ang Boracay Action Group (BAG) na siyang nanguna sa diskasyon.
Nabatid na ang nasabing pagtitipon ay para pag-usapan ang
Orientation & Presentation of Output On Peace, Order & Security para sa
Boracay Beach Front.
Ilan sa mga dumalo rito ang Tourism Regulatory
Enforcement Unit (TREU), SALAAM Police, Philippine Coastguard, Municipal
Auxiliary Police (MAP), Philippine National Police, Philippine Army at iba pa.
Samantala, layun ng Orientation at Presentation na
mapag-isa sa pananatali ng maayos na pagpapatupad ng seguridad ang mga Law
enforcers sa Boracay na magiging katuwang ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment