Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumaba ngayon ng 55.74 % ang kaso ng dengue sa Aklan
kumpara noong nakaraang taon sa period na mula Enero hanggang Agosto.
Ito ay base sa rekord ng Aklan Provincial Epidemiology
Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saan ngayong 2015 ay umabot sa 424
ang kaso habang noong 2014 ay may bilang na 958 sa kaparehong period.
Sa tala ng APESRU ang bayan ng Kalibo ang siyang nangunguna
sa may pinkamaraming kaso ng dengue na may 101, sumunod ang Numancia na may 60
kaso, New Washington na may 40, Malay na may 38 at Banga na may 30.
Sinundan naman ito ng bayan ng Balete na may kasong 24,
Madalag at Tangalan na may parehong 18 kaso, Nabas na may 17, Malinao na may
15, Makato na may 14 at Lezo na may 10.
Ang iba pang bayan na may kaso ng dengue ay ang Ibajay na
may 8, Altavas at libacao na may parehong 7, Buruanga na may 6 at Batan na may
5.
Samantala, patuloy parin ang panawagan ng Provincial
Health Office sa lahat ng mamamayan na panatilihin ang malinis na lugar para
maiwasan ang dengue.
No comments:
Post a Comment