Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makalipas ang ilang taon mula ng manalasa ang super
typhoon Yolanda sa probinsya ng Aklan dumating na din ang Emergency Shelter
Assistance (ESA) Budget para sa bayan ng Banga.
Ito mismo ang masayang balita ni Mayor Erlinda Maming ng
Banga sa kanyang mga nasasakupan na matinding naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Maming nasa 128 milyon ang napuntang pundo sa
kanila para sa 7, 557 na mga beneficiaries.
Nabatid na makakatanggap ng tig-sampung libong peso ang
partially damage at tatlumpung libo naman sa totally damaged na kabahayan.
Matatandaan na natagalan ang pagbibigay pundo sa nasabing
bayan dahil sa pagkakaroon ng problema na isinumite sa Department of Social
Welfare Development (DSWD) 6.
No comments:
Post a Comment