Posted September 14, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Pito na lamang ngayon ang dapat na sakay na pasahero ng
Electric Tricycle (E-Trike) na bumibiyahe sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos ang bagong ipinalabas na regulasyon ng
Transportation Office ng Local Government Unit ng Malay sa tulong ng Municipal
Auxiliary Police.
Nabatid na ipinagbabawal na ang pagpapasakay ng pasahero
sa gilid mismo ng driver para maiwasan ang piligro na kung saan ay nagsisikan
ang mga ito sa iisang upaan.
Napag-alaman na ang E-Trike ay nagsasakay ng siyam ng
pasahero ngunit ngayon ay hindi na ito pinapayagan ng MTO.
Sakali namang mahuli ang mga driver na nagpapasakay ng sobrang
pasahero ay huhulihin ang mga ito at mahaharap sa mga penalidad.
Ang E-Trike ang siyang magiging kapalit sa mga
bumibiyaheng tricycle ngayon sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment