Posted September 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala umano ngayong balak ang Commission on Elections
(COMELEC) na palawigin pa ang registration ng Biometrics para sa Election 2016.
Ayon kay COMELEC-Aklan Information Officer Chrispin
Raymund Gerardo, hanggang Oktobre 31 na lamang ngayong taon ang registration ng
biometrics para sa mga hindi pa nakapag parehistro.
Sinabi nito na wala ng extension sa mga hindi na makakahabol
sa itinakdang petsa na kung saan hindi sila maaaring makaboto sa lokal at
nasyonal eleksyon sa Mayo 9, 2015.
Dagdag ni Gerardo, kung matapos na umano ang biometrics
registration ay pag-tutuunan na nila ng pansin ang paghahanda sa mga listahan
ng botante.
Kaugnay nito temporaryo munang ititigil ang pagkuha ng
biometrics, pag-paparehistro at iba pang gawain sa Oktubre 12 hanggang 16 para
bigyang daan ang pagpasa ng mga mga Certificates of Candidacies (COCs) ng mga
tatakbo sa 2016 election.
No comments:
Post a Comment