Pages

Tuesday, September 01, 2015

COC ng PetroWind sa Nabas, Aklan aprobado na

Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Nabas Petro windAprobado na ng Energy Regulatory Commission ang certificate of compliance para sa 36-megawatt Nabas Phase-1 wind power project sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa ERC inaprobahan umano nila ang COC nito lamang Augosto 17 kung saan ibig sabihin nito ay na-comply na nila ang lahat ng technical, equipment, financial, organizational at manpower requirements para makapag-operate ang wind farm.

Nabatatid na tinalakay sa mga nakaraang SB Session ng Malay, na halos umabot noon sa 8 milyong peso ang penalidad ng PetroWind Energy Incorporated sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).

Ito’y dahil sa patuloy nilang construction kahit na walang kaulang permit mula sa nasabing ahensya kasama na ang ECC.

Ang 36-MW Nabas facility ay pagmamay-ari at ino-operate ng PetroWind Energy Inc. kung saan nag-invest ito ng P4.5 billion para ma develop ang proyekto kung saan ito rin ang single biggest investment sa Aklan at ang pinakamalaking renewable energy project ngayon sa Panay island.

No comments:

Post a Comment