Posted September
21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsagawa ng meeting nitong Sabado ang namumuno sa
ibat-ibang agencies sa isla ng Boracay para sa paghahanda sa pag-host ng 31st
ASEAN Maritime Transport Working Group.
Ito ay sa pangunguna ni Dir Sonia Malaluan mula sa
Manpower Development Service ng MARINA Central Office.
Nabatid na gaganapin ang international event sa Abril
6-8, 2016 na dadaluhan ng 150 delegates na kinabibilangan ng sampung head mula
sa 10 ASEAN Member countries.
Ayon kay Malaluan dadalo umano ang mga ASEAN Members para
pag-planuhan ang mga programa ng ASEAN.
Maliban dito, ito rin ay magbibigay ng technical overview
at makipag-koordinasyon sa implementasyon ng Roadmap patungko sa Integrated and
competitive Maritime Transport sa ASEAN.
Samantala, ang nasabing meeting ay dinaluhan ng
Philippine Coast Guard-Caticlan, Department of Health-Aklan, Department of
Tourism-Boracay, Local Government Unit ng Malay at Jetty Port Administration.
Ang ASEAN Maritime Transport Working Group (AMTWG) ang
ikalawang international event na isasagawa sa Boracay matapos ang APEC
Ministerial Meeting nitong Mayo.
No comments:
Post a Comment