Posted September 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Humarap sa daan-daang Konsehales sa Boracay ang magiging bagong
Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na si Mel Senen
Sarmiento.
Ito ay matapos siyang imbitahan sa ginanap na Philippine
Councilors League sa Crown Regency and Convention Center sa Boracay kaninang
umaga.
Dito ipinaabot ni Sarmiento na handa na umano siyang
tanggapin ang bagong hamon sa ngalan ng serbisyo publiko para ipagpatuloy ang
paglilingkod para sa good governance at Daang Matuwid.
Nabatid na itinakda ang turn-over ceremony sa pagitan ni
Roxas at Sarmiento sa darating na araw ng Biyernes.
Napag-alaman na bago maging DILG si Sarmiento ay siya ang
Congressman ng Western Samar na magiging kapalit Interior Sec. Mar Roxas na
tatakbong Pangulo sa susunod na taon matapos na ianunsyo ito ni Pangulong
Benigno Aquino nitong Martes.
Samantala, ang 3rd Quarter ng Philippine
Councilors League sa Boracay ay nagsimula kahapon at magtatapos naman bukas ng
Biyernes.
No comments:
Post a Comment