Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi gaanong nakuntinto ang Sangguniang Bayan ng Malay
sa ginawang presentasyon ng Petro Wind Energy tungkol sa kanilang operasyon sa
Napaan area.
Ito’y dahil sa hindi aktwal na nakita ng personal ng mga
konsehales ang ginawang construction sa Brgy. Napaan kung saan itinayo ang wind
mill na kadugtong mula sa Brgy. Pawa, Nabas.
Dahil dito nagdesisyon ang SB Malay sa ginanap na 29th
regular session ng Malay kahapon na mag-sagawa ng pagsusuri sa nasabing lugar
dahil na rin sa umano’y naapektuhan ng pagpapatayo ng wind mill ang Napaan
river na siyang isa sa nagbibigay ng suplay ng tubig sa buong bayan ng Malay.
Samantala, nakatakda ang nasabing inspeksyon ngayong
Lunes na may layuning alamin kung gaano naapektuhan ang kalikasan sa Napaan
area dahil sa itinayong wind mill na sinasabing makakatulong sa karagdagang
suplay ng kuryente sa lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment