Pages

Thursday, August 06, 2015

Tourist arrival sa Boracay ngayong Hulyo tumaas ng 14 percent kumpara noong 2014

Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tumaas ng labing-apat na porsyente ang naitalang tourist arrival sa Boracay ngayong buwan ng Hulyo kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Base sa naitalang record ni Supervising Tourism Operations Officer Conception Labindao ng Department of Tourism Aklan.

Umabot umano sa 73, 704 ang kanilang naitalang Foreign tourist na nagbakasyon sa Boracay ngayong buwan ng Hulyo habang ang Local tourist ay umabot naman sa 43, 613 at ang Overseas Filipino Worker (OFW) ay 3, 949 kung saan may kabuuan itong bilang na 121, 266.

Napag-alaman na nangunguna parin ang Korean tourist sa may pinakamaraming turistang nagbabakasyon sa Boracay na sinusundan naman ng mga bansa sa Asya.

Kaugnay nito kapansin-pansin naman ang tuloy-tuloy na dagsa ng mga turistang Chinese, Taiwanese at Korean National sa Boracay nitong unang linggo sa buwan ng Agosto sa kabila ng Habagat season sa isla.

Samantala, umaasa naman ang Provincial Government at Tourism Office ng Aklan na maaabot nila ang target na 1.5 milyon tourist arrival sa Boracay para sa taong 2015.

No comments:

Post a Comment