Posted August 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Suportado ng Municipal Health Office sa Boracay ang Pedal
for HIV na nagpapalaganap ng kaalaman at pagwawalang bahala sa karamdaman na
STD/HIV at AIDS.
Ito’y matapos na dumulog nitong araw ng Sabado Agosto 8,
2015 sa tanggapan ng YES FM Boracay ang isang lalaki na positibo sa HIV at
ngayon ay isa ng founder ng Pedal for HIV sa Pilipinas para ipalaganap ang
awareness sa nakakamatay na karamdaman.
Nabatid na ang Pedal for HIV ay nagpapakalat ng HIV
poster na inilabas ng Life Support Group (GIV), na isang Brazil based
organization na ngayon ay dinala na rin sa Pilipinas na tinawag na Pedal for
HIV para sa nasabing awareness.
Dahil dito suportado ng MHO Malay ang nasabing kampanya
sa pangunguna ni Dr. Adrian Salaver, Municipal Health officer ng Boracay, at ni
Arbie Aspiras, STI/AIDS Coordinator.
Napagdesisyon naman nina Dr. Salaver at Aspiras na
tutulungan nila ang Pedal for HIV sa pagpapakalat ng nasabing poster sa
Boracay.
Samantala, nakapaloob naman sa nasabing poster na ang
layunin nila ay makapag-educate ng tao at hindi makapag-infect sa naturang
karamdaman.
Samantala, pinasalamatan naman ng Pedal Philippines ang
Red Cross Boracay-Malay Chapter para sa pamamahagi ng condom at local media
para sa pagpalaganap ng impormasyon.
No comments:
Post a Comment