Posted August 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Organic mineral ang panlaban sa halos mag-iisang buwan ng
nararanasang masang-sang na amoy sa mainroad ng Balabag, partikular sa harapan
ng D’Talipapa Boracay.
Ayon kay Malay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod,
ikinaalarma rin ng Environmental Management Board ng Malay ang nasabing
problema kung saan agad umano silang nagsagawa ng pagsusuri para dito.
Sinabi ni Lumagod na nagmumula ang masangsang na amoy sa
mga basura na galing sa ibat-ibang restaurant malapit sa lugar na inilalagay sa
isang pick-up area ngunit tumatagas umano ito dahilan para bumaho ang nasabing
kalsada.
Dahil dito pinayuhahan rin nila ang mga naglalagay ng
basura sa nasabing lugar na kung maaari ay salain muna nila ito bago ilagay sa
pick-up area.
Nabatid na naglagay na rin sila ng organic mineral kung
saan nagmumula ang masamang amoy para maibsan ang baho nito na nakakatawag
pansin sa mga taong dumaraan sa lugar.
Samantala, ang mainroad area sa D’Talipapa ay isa sa mga
pinakamataong lugar sa Boracay dahil dito makikita ang ibat-ibang klase ng
kainan sa isla, souvenir shops at mga naglalakihang hotel.
No comments:
Post a Comment