Posted August 6, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Napaaga ang pagtatapos ng ipinatupad na no fly zone sa
Kalibo International Airport (KIA) matapos makompleto ang ginawang asphalting
sa nasirang runway 23.
Ayon kay Engr. Martin Terre, manager ng Civil Aviation
Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, dapat ngayong araw pa ng Huwebes magtatagal
ang no fly zone matapos na ipatupad nitong Lunes.
Sinabi ni Terre na mabilis nilang natugunan ang
pagsasaayos ng nasabing runway kung saan nagsisimula umano ang no fly zone ng
alas-6 hanggang alas-8 ng umaga.
Kaugnay nito iginiit naman ni Terre na wala namang naging
epekto ang nasabing no fly zone sa kanilang operasyon kung saan kahapon ay
balik na rin ito sa normal habang nagpadala na rin umano sila ng notice to
airmen (NOTAM) sa CAAP na nagpapaabot na tapos na ang itinakdang cancelation of
flights.
Napag- alaman na na nasira ang runway 23 dahil sa
sunod-sunod na buhos ng ulan noong nakaraang linggo kung saan ito ay kakagawa
pa lamang na siyang bahagi ng pag-upgrade ng Kalibo International Airport.
No comments:
Post a Comment