Pages

Wednesday, August 19, 2015

Mga Aklanon pinarangalan ng Sandugo award ng DOH

Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for blood donationHindi lang isa kundi sampung organisasyon at local government unit sa probinsya ng Aklan ang nabigyan ng Sandugo Awards ng Department of Health (DOH).

Ito’y dahil sa kanilang tapat at patuloy na pagtulong sa blood collection campaign ng DOH o DOH’s National Voluntary Blood Services Program.

Ang paggawad ng parangal ay ginawa nitong Biyernes Agosto 14 kasabay ng regional Sandugo recognition at awarding ceremony para sa mga volunteers at individuals.

Ilan sa mga binigyan ng parangal mula sa Aklan ay ang Aklan State University, Northwestern Visayan Colleges Criminology Department, Philippine Guardians Brotherhood, Inc. ng Banga, Aklan, Hennan Group of Resorts, Barangay Cabangila ng Altavas, Aklan, Boracay Island Water Company, Inc. (BIWC) at Barangay Cajilo, Makato, Aklan kabilang din ang ilang radio station sa probinsya.

Samantala, hinihikayat naman ng DOH ang lahat ng mga gusto pang sumuporta sa kanilang programa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.

No comments:

Post a Comment