Posted August 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa maaayos na ngayong kalagayan ang isang Korean
National matapos ang muntikan nitong pagkalunod kahapon ng alas-4:30 ng hapon
sa Station 3 Boracay.
Ayon kay Philippine Coastguard Boracay Substation Office
PO1st Alvarez, tinangay umano ng malakas na alon sa malalim na bahagi ng dagat
ang biktimang si Kim Jumz 50-anyos.
Mabilis naman umano itong nasagip ng rumiposding life
guard ng isang resort sa station 3 na si Bennie Tapar sa tulong na rin ng tropa
ng Coastguard.
Agad namang dinala sa isang pribadong klinika ang biktima
at mabilis na naagapan ng mga doktor na ngayon ay nasa maayos na ring
kalagayan.
Matatandaang siyam ang nailigtas sa magkahiwalay na
pagkalunod sa Boracay nitong nakaraang araw dahil sa malakas na alon sa
karagatan dulot ng bagyong Ineng.
Samantala, todo alerto naman ang Philippine Coastguard sa
pagbabantay sa beach area, Tambisaan Port at Bolabog area kung saan
kasalakuyang ginagawa ang mga island activity sa Boracay.
No comments:
Post a Comment