Pages

Monday, August 17, 2015

Dahilan ng sunog sa Talipapa Boracay noong Hulyo 17 natukoy na

Posted August 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Natukoy na ang dahilan ng nangyaring malagim na sunog dalawang buwan na ang nakararaan sa Talipapa Boracay, Manoc-manoc noong Hulyo 17.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay Fire Inspector Stephen Jardeleza, aksidente ang nangyaring sunog sa Boracay na nag-iwan ng tinatayang P48 million.

Sinabi nito na base sa pag-iimbestiga ng fire investigators na ang naiwang cooking stove sa kusina ng bahay ni Marcelino Sotto III nagmula ang naturang apoy.

Sinabi nito na ang bahay ng mga Sotto ay malayo sa Talipapa Bukid at nasa eastern portion sila ngunit dahil sa lakas ng hangin ay malakas na kumalat ang apoy hanggang sa nasunog na ang mga kabahayan sa lugar papuntang market stall sa Talipapa.

Iginiit din ni Jardeleza na hindi faulty electrical connections ang sanhi ng nasabing sunog dahil sa halos dalawang taon na umanong walang kuryente ang bahay nina Sotto matapos maputulan.

Dagdag pa ni Jardeleza, walang tao sa bahay ng mangyari ang sunog dahil nasa trabaho ang mga ito ngunit ang kanilang anak na pitong taong gulang na umuwi mula sa klase ay ininit ang natirang pagkain kasama umano ang mga kalaro nito gamit naman ang frying pan na nakapatong sa grill kung saan dito na umano lumaki ang apoy hanggang sa matupok ang dingding sa gilid ng stove at doon na nasunog ang kanilang tahahan.

Samantala, karamihan sa mga nasunog noong Hulyo 17 ay mga boardinghouses at mga market stall na na nag-iwan ng milyon-milyong danyos.

No comments:

Post a Comment