Posted August 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa 17,572 o 5.47 percent ng 320,843 total registered
voters sa lalawigan ng Aklan ang wala pang biometrics base sa report ng
Comelec-Aklan nito lamang Hulyo 20.
Dahil dito hinihikayat ngayon ng Commission on Elections
(COMELEC) ang 17,500 registered voters na magpa-biometrics na sa opisina ng
Comelec sa kanilang lugar para makaboto sa 2016 election.
Nabatid na ang botanteng walang biometrics ay kailangang
sumailalim sa signature, fingerprints at digital photograph ng Comelec
registration na siyang kailangan para matanggap bilang rehistradong botante sa
darating na 2016 national at local elections.
Ang biometrics registration ay sumasailalim sa batas ng Republic
Act 10369 or the Mandatory Biometrics Voter Registration Act.
No comments:
Post a Comment