Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa P26, 510,421,592.80 ang kinita ng isla ng
Boracay sa turismo sa loob ng pitong buwan mula Enero hanggang Hulyo ngayong
taong 2015.
Ito ay base sa naitalang record ng Aklan Provincial
Tourism Office (APTO) kung saan ang total amount na P17,357,304,556.80 ay mula
sa foreign at overseas Filipinos tourists habang ang P9,153,117,036.00 ay
galing naman sa domestic o local tourists.
Sa kabilang banda naitala naman ng APTO na ang buwan ng
Abril ang may pinakamataas na tourist arrival sa nagdaang buwan ngayong taon
kung saan may kabuuan itong bilang na 178,595 tourists.
Maliban dito umabot na ngayon ang tourist arrival sa 973,373
mula Enero hanggang Hulyo kung saan 431,008 rito ay foreign tourist, domestic
tourists na 512, 840 at overseas Filipino na 29,525.
Samantala, ang paglago ng kita ng Boracay ay dahil na rin
sa patuloy na pagdami ng mga pumupuntang turista sa Boracay.
No comments:
Post a Comment