Pages

Saturday, July 11, 2015

“Timbangan ng Bayan” ipamamahagi ng DTI sa 17 bayan sa Aklan

Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mamahagi ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan ng kilohan “Timbangan ng Bayan” sa 17 bayan sa probinsya.

Ayon kay DTI-Aklan Provincial Director Engr. Diosdado Cadena, Jr., ang proyektong ito ay sagot umano sa hinaing o reklamo ng mga mamimili laban sa mandarayang nagbibinta na minamanipula ang kanilang timbangan para kumita ng mas malaki.

Dagdag nito na makakatanggap ang 17 bayan ng tig-dalawang timbangan na ilagagay sa istriktong lugar sa kanilang mga tindahan.

Nabatid na isang memorandum of agreement ang pipirmahan ng DTI at ng mga Local Government Unit sa probisya para sa implementasyon ng “Timbangan ng Bayan”.

Kaugnay nito sinabi pa ni Cadena na nagkaroon umano ng inspeksyon ang tauhan ng DTI sa mga tindahan kung saan nila ilalagay ang nasabing timbahangan na nakalagay sa parang isang kulungan na maliit para sa mga mamimili. 

Inihayag din ni Cadena na ang market master ng LGU ay siyang magiging in-charged sa maintenance security operation ng timbangan.

Samantala ang proyektong ito ay under sa Republic Act 7394 or the Consumer Act of the Philippines. 

No comments:

Post a Comment