Pages

Saturday, July 11, 2015

SB Bautista, ayaw ng palalain ang isyu tungkol sa One Entry One Exit Policy sa Boracay

Posted July 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay boatAyaw na umanong palalain ni Malay SB Member Floribar Bautista ang isyu tungkol sa One Entry One Exit Policy sa Boracay.

Ito ay matapos na magpadala ng sulat si Governor Florencio Miraflores kay Malay Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito na ipagwalang-bisa ang iniakda ng SB Malay na resolution No. 073 series of 2014 na sponsor ni Bautista at Malay Liga President Abram Sualog.

Ayon kay Bautista magpapadala rin ng sulat ang Sangguniang Bayan ng Malay kay Gobernador Miraflores para sabihin na wala silang intensyon sa nasabing resolusyon na nagdedeklara ng regular One Entry One Exit Policy sa Tabon at Tambisaan Port tuwing pahon ng Habagat.

Aniya ang iniisip lamang nila rito ay ang kaligtasan ng mga pasahero at para maging convenience sa lahat kung kayat ginagawa nila ang nasabing resolusyon.

Nabatid na gusto ng Aklan Province na hindi gamiting regular One Entry One Exit Policy ang Tabon at Tambisaan Port kung hindi naman gaano kalakas ang Habagat at maganda ang panahon sa Caticlan at Cagban Jetty Port dahil sa sumasalungat umano ito sa Provincial Ordinance No. 05-032.

No comments:

Post a Comment