Pages

Wednesday, July 29, 2015

Sadiasa hiniling ang pag-reactivate ng Municipal Cooperative Development Council

Posted July 29, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Image result for cbtmpc boracayIsang panawagan ngayon ang hiniling ni CBTMPC Godofredo Sadiasa sa lokal na pamahalaan ng Malay at ito ay ang muling pagbuhay ng Municipal Cooperative Development Council.

Hiniling ito ni Sadiasa sa harap ng mga opisyales ng Malay kasabay ng isinagawang ground breaking ceremony ng CBTMPC 3-storey commercial building nitong Martes.

Bagamat masaya ito sa paglago ng Caticlan Boracay Multi Purpose Cooperative na siyang pinakamayamang kooperatiba sa bansa, naghihinayang naman ito dahil anya ang ilang kooperatiba sa Malay ay hindi umunlad dahil hindi sapat ang kaalaman sa pagpapalakad nito.

Ang layunin ng Municipal Cooperative Development Council ay para mabigyan ng sapat na suporta at kaalaman ang mga grupo, asosasyon, at kooperatiba sa Malay na ang karamihan ay mula sa mahihirap na pamilya.

Dagdag pa ni Sadiasa, tiwala at kumpiyansa ng mga miyembro ang pangunahing puhunan para magtagumpay. Kailangan ding maging tapat at may kooperasyon ang lahat para makamit ang totoong kahulugan ng salitang kooperatiba.

Inaasahan na sa mga susunod na sesyon ay tatalakayin ang nasabing usapin lalo at ipinakiusap din ito sa ilang konsehales ng Malay habang si Sadiasa ay nagtatalumpati.

No comments:

Post a Comment