Posted July 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang pagtaas ng generation charge at system loss ang
siyang dahilan ng pag-increase ng rate per kilowatt hour ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO).
Ito ay base sa inilabas na advisory ng AKELCO para sa
kanilang increase rate per kilowatt hour ngayong buwan ng Hulyo 2015.
Dito nakapaloob na ang residential consumers ay mayroong
increase na P0.3912 per kilowatt hour na kung saan noong buwan ng Hunyo ay
P10.4474 per kilowatt hour lamang kumpara ngayon Hulyo na naging P10.8386/kilowatt
hour na.
Habang sa Commercial Consumers ay may increase na P0.3913
per kilowatt hour na kung saan sa noong buwan ng Hunyo ay may P9.5010/kilowatt
hour lamang kumpara ngayong Hulyo na P9.8922.
Kaugnay nito pinaalalahan naman ng AKELCO ang miyembro at
kunsumidor na maging responsabli sa paggamit ng kanilang electric power at
huwag itong pag-aksayahan.
Samantala, nilinaw naman ng AKELCO na ang pagtaas o
pagbaba ng rate per kilowatt hour sa kada buwan ay nakadipendi sa generation charges
o cost ng power, WESM prices o System Loss.
No comments:
Post a Comment