Pages

Tuesday, July 07, 2015

Probinsya ng Aklan kasama sa mga nominado para sa Red Orchid Award ng DOH

Posted July 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for red orchid award 2015 of DOH
Kabilang ang probinsya ng Aklan sa mga nominado ngayong taon para sa Red Orchid Award ng Department of Health (DOH).


Ito ay kinabibilangan ng bayan ng Buruanga, Ibajay, Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Aklan, at Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH).

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, provincial health officer I, maaari umanong sa buwan ng Agosto o Setyembre ang national validation para sa mga nominado sa Aklan habang ang awarding ay sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Nabatid na ang Buruanga, PhilHealth-Aklan at DRSTMH ay parehong Red Orchid awardees noong nakaraang taon habang ang Ibajay ay nominado naman sa kauna-unahang pagkakataon.

Napag-alaman na ang Ibajay, sa western Aklan, ay diniklara bilang smoke-free town sa bisa ng municipal ordinance kung saan ito ang prime requirement/criteria para sa government agency, institution o local government unit para maging Red Orchid awardee.

Samantala, tinatawagan naman ni Provincial Tobacco Control Network coordinator Nuella Zaldivar ang local government units at government hospitals pati na ang mga agencies sa probinsya na simulan na sa kanilang area ang smoke-free para ma-qualify sa nasabing award.

No comments:

Post a Comment