Posted July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling nakapag-kumpiska ng 49 na mga over pricing
brochures ang mga kapulisan ng Boracay PNP Station sa kanilang nagpapatuloy na
monitoring sa mga illegal na commissioner sa isla.
Ito ay sa pangunguna mismo ni PSI Frensy Andrde, Chief of
Police ng Boracay Police kung saan sinuyod nila ang beach front para
kumpiskahin ang mga nasabing brochures na sobra-sobra ang mga presyo na
iniaalok sa mga turista.
Ayon naman kay Andrade binibigyan umano nila ng violation
ticket ang mga nasabing commissioner at kung tatlong beses na umano silang
natikitan ay sasampahan na nila ito ng kaso.
Iginiit naman ni Andrade na may nabibiktima paring
turista ang mga commissioner ngayon ngunit hindi umano kagaya ng dati na halos
linggo-linggo ay may nabibiktima sila.
Sinabi din nito na hindi pa matatapos ang kanilang laban
kontra sa mga illegal na commissioner sa Boracay hanggat tinatanggap sila ng
ibat-ibang nag-papa sea sports at island hopping sa isla.
Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga
turista na mag-ingat sa pakikipag-transakyon sa mga commissioner dahil ang iba
rito ay illegal at nanamantala lamang sa mga bisita.
No comments:
Post a Comment