Pages

Thursday, July 23, 2015

Mga pulis sa Boracay PNP, nakiisa sa Nationwide Earthquake Drill kaninang umaga

Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakiisa ang mga kapulisan ng Boracay PNP Station sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill kaninang alas-9 ng umaga.

Ito ay inorganisa mismo ng nasabing tanggapan kung saan sumailalim ang mga pulis sa mga paghahanda sakaling maranasan ang kalamidad sa pamamagitan ng lindol.

Nabatid na nais ng Boracay PNP station na matiyak ang kanilang kahandaan sa panganib na maidudulot ng lindol sakaling ito ay maranasan sa ibat-ibang parti ng bansa.

Maliban sa mga pulis nauna ng sumailalim sa Earthquake Drill ang tanggapan ng Philippine Coastguard at Bureau of Fire Protection Unit sa Boracay kasabay ng mga paaralan sa bayan ng Malay kahapon ng umaga.

Kaugnay nito nakatakdang muling sumailalim ang Boracay PNP Station sa Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na linggo na oorganisahin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Samantala ilang paaralan at National Government Agencies rin sa bansa ang lumahok sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill kaninang umaga bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Consciousness month ngayong buwan ng Hulyo.

No comments:

Post a Comment