Posted July 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiniyak ngayon ng LGU Malay na hindi dahilan ng high
chemical content o Coliform bacteria ang
sanhi ng mga nakitang palutang-lutang na patay na isda sa Bulabog beach Boracay.
Ito ay base sa pagsusuri ng Environmental Management Services
(EMS) Unit matapos na makita ang mga patay na isda nitong Hunyo 17.
Ayon kay Malay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod,
maliliit lamang na isda ang nakita sa may nasabing beach area na kung tawagin
ay Sap-Sap.
Base pa sa pag-aaral posible umanong itinapon ito ng mga mangingisda
na sumama sa kanilang mga nahuli dahil sa hindi naman ito mabibili sa mga
tindahan na kinukunsidira nilang “trash fish” taliwas sa mga haka-hakang
namatay ito dahil sa Coliform bacteria.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman ngayon ang EMS Unit sa
Environmental Management Board (EMB) Region 6 para sa masusing embistigasyon at para
ma-assist ang sitwasyon ng kalidad ng tubig sa Bulabog beach.
No comments:
Post a Comment