Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling ipapatawag ng Sangguniang Bayan (SB) Malay ang
kumpanya ng Petro Wind sa darating na SB Session ngayong Martes.
Ito ay kaugnay sa kanilang itinatayong wind mill sa Brgy.
Napaan sa bayan ng Malay kung saan higit na apektado rito ang Napaan River.
Ayon naman kay SB Member at Chairman ng Committee on Laws
Rowen Aguirre, nagrereklamo umano ngayon ang residente ng nasabing brgy. dahil
sa higit na pag-kaapekto ng kanilang ilog na siyang isa sa mga na nagsusuplay
ng tubig sa nasabing bayan.
Nabatid na sa mismong ilog tumama ang itinayong wind mill
na nagreresulta ng pag-iiba ng kulay ng tubig dahil sa hinuhukay na lupa sa
nasabing area.
Dahil dito iimbitahan ng Konseho ang kumpanya ng Petro
Wind maging ang Department of Natural Resources (DENR), Municipal Environmental
Officer at ang mismong brgy. Officials ng Napaan.
Ang itinatayong proyekto sa Napaan ay karugtong ng wind
mill sa bayan ng Nabas ng National Grid Corporation (NGCP) para sa karagdagang
suplay ng kuryente sa probinsya at sa kalapit na lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment