Pages

Thursday, July 09, 2015

Gwardya na nagnakaw sa opisina ng KCTN ng mahigit P60 libo kinasuhan na

Posted July 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for rehasSinampahan na ng kasong Theft ang isang gwardya na nagnakaw ng mahigit P67 libo sa opisina ng Kalibo Cable TV Network nitong nakaraang gabi.

Ayon kay Kalibo Police Chief Superintendent Pedro Enriquez, kinilala ang suspek na si Albert Roldan, 26 anyos ng Brgy. Arcangel, Balete, Aklan.

Agad umano nilang nakilala ang suspek sa kuha ng CCTV Camera kung kayat pinuntahan nila ito sa kanyang inuupahang boarding house sa Laguinbanwa East Numancia at doon ay nakita ang mga cash na pera na nakalagay sa isang malaking timba.

Nabatid na pumunta umano ang suspek sa compound ng KCTN para mag-relyebo sa isang guwardya at dahil dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pumasok sa opisina at doon ay binuksan ang drawer na naglalaman ng pera saka niya ito kinuha.

Aminado naman umano ang suspek na mahuhuli siya dahil sa mayroong CCTV camera sa loob ng nasabing opisina kung saan dito din siya na-assign dati bilang isang guwardya.

Base pa sa salaysay ng suspek sa mga pulis na natukso lamang siya na kunin ang nasabing pera dahil sa kanyang anak na dalawang buwan na may bukol sa ulo na binilhan nito ng gamot at nag-groceries pa gamit ang ninakaw na pera.

Samantala, todo naman ang pagsisisi ng suspek matapos na umiiyak na humihingi ng tawad sa tanggapan ng Kalibo Cable TV Network.

No comments:

Post a Comment