Posted July 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayong umaapela ng tulong si Boracay National
High School (BNHS) School Principal Victor Supetran mula sa mga kinauukulan
tungkol sa kanilang binabahang paaralan.
Ayon kay Supetran masyado na silang apektado sa palagiang
pagbaha sa kanilang paaralan kung saan kahit kunting ulan lang umano ay
bumabaha na at pumapasok pa sa mga silid-aralan.
Aniya, pinapasipsip naman ng Brgy. Balabag ang tubig baha
gamit ang isang equipment sa tuwing umaga ngunit sana umano ay mahanapan na ito
ng ibang solusyon upang hindi na sila bahain pa.
Sinabi din nito na nagkaroon sila ng pag-uusap ng Boracay
Island Water Company (BIWC) para sa ilang suggestion na maaaring makatulong sa
binabahang paaralan ngunit hanggang ngayon umano ay hindi pa ito
naisasakatuparan.
Muli namang iginiit ni Supetran na matagal ng may
naka-plano sa pamamagitan ng LGU Malay para sa elevation ng mga silid-aralan na
pinapasok ng tubig baha ngunit inaantay parin umano nila ngayon ang naturang
plano.
No comments:
Post a Comment