Posted June 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay (BFP)-Boracay chief Fire Inspector Stephen
Jardeleza, umabot sa halos isang daang kabahayan at mga boarding house kasama
na ang ilang business establishment ang tinupok ng apoy sa itinuturing na
pinakamalaking sunog sa Boracay.
Aniya naidiklara nilang fire control ang sunog bandang
alas-4:50 ng hapon kung saan inabot din ang kanilang mopping up operation ng
alas-7 ng gabi.
Sinabi din nito na kinaumagahan ng Huwebes ay mayroon
paring kunting baga sa mga nasusunog na bahay at establisyemento kung kayat
alas-7:10 na nila ito ng umaga
naideklarang fireout.
Nabatid na halos umabot sa mahigit tatlong daang
indibidwal ang naapektuhan ng sunog kung saan karamihan rito ay mga empleyado
ng hotel sa Boracay.
Kaugnay nito ilang residente sa lugar ang nagtamo ng
sugat sa ibat-ibang parti ng kanilang katawan kabilang na rito ang 48-anyos na
ginang na nagtamo ng first-degree burn na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa
hospital.
No comments:
Post a Comment