Posted June 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang limampung kabahayan ang tinupok ng apoy
sa nangyaring sunog sa C. Laserna St. Kalibo Aklan kahapon ng hapon.
Base sa inisyal na embistigasyon ni Bureau of Fire
Protection Unit (BFP) Kalibo Inspector Donnie Torre, nagmula umano ang sunog sa
faulty service drop wire ng isang bahay na pagmamay-ari ni Lorelie Sargisa.
Nabatid na aabot umano sa isang daang pamilya ang
apektado ng nasabing sunog kung saan dinala ang mga ito sa inilaang evacuation
center sa Aklan Trade Hall at Magsaysay Park.
Maliban sa Kalibo tumulong naman ang mga firefighters
mula sa Altavas, Numancia, Balete at New Washington at ilang volunteer groups
na nagsagawa ng mopping-up operations sa nasabing area kung saan naaapula naman
ang sunog bandang ala-5:20 ng hapon.
Kaugnay nito wala namang naiulat na casualties sa nasabing
sunog ngunit ilang residente ang nagtamo ng injuries dahil sa pinilit ng mga
ito na maisalba ang kanilang mga gamit.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng Bureau
of Fire Protection Unit (BFP) Kalibo kung saan tinataya namang umabot sa P2-milyon
ang pinsala sa nasabing sunog.
No comments:
Post a Comment