Posted June 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinuturing na isa ang isla ng Boracay sa may
pinakamaraming mangagawa sa Western Visayas dahil sa dami ng negosyo o business
establishment sa isla.
Kaya naman naglagay na ng satellite office rito ang
Social Security System (SSS) na makikita sa Manoc-manoc Brgy. Hall.
Kaugnay nito sinabi naman ni Malay Liga President at Manoc-manoc
Brgy. Captain Abram Sualog na nais niyang magkaroon ng ordinansa ang SB Malay
na bago mag-renew ng business permit ang isang kumpanya o negosyo ay kailangan muna
nilang iparehistro ang kanilang mga tauhan sa SSS.
Ito umano ay para ma-avail naman ng mga mangagawa sa
Boracay ang serbisyong inihahandog ng Social Security System para sa kanilang
mga nagtratrabaho.
Dahil dito nakatakdang pag-usapan sa SB Session ng Malay
ang hiling ni Sualog na kung saan ay nais rin nitong magkaroon ng Memorandum of
Agreement (MoA) sa pagitan ng office of the Mayor tungkol sa nasabing usapin.
Samantala, patuloy naman ang ginagagawang pag-iikot ng
mga tauhan ng nasabing ahensya sa mga business establishment sa Boracay para magdikit
ng kanilang service sticker announcement at ipaabot na sila ay bukas na para sa
pagbibigay serbisyo sa mga Boracaynon at kalapit na lugar.
No comments:
Post a Comment