Posted June 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang dumalo sa Joint Committee Hearing ng
Sangguniang Bayan ng Malay ang Ocean Park developer o Seven Seas bukas sa
Eurotel Boracay.
Ito ang sinabi ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara,
matapos itong magkumpirma na dadalo sa nasabing hearing ang developer para
linawin ang mga isyu na kanilang kinakaharap ngayon.
Maliban dito isa rin sa mga inimbitahan ang grupong
Friends of Flying Foxes na kumpirmado ring dadalo sa joint committee hearing
bukas.
Nabatid na ang Friends of Flying Foxes ang siyang
nagsagawa ng online petition para ipatigil ang ginagawang construction ng Seven
Seas na Ocean Park Hotel sa Puka beach Boracay dahil sa nais umano nilang
protektahan ang natitirang pristine beach, forest at wildlife sa Boracay sa
takot na mawala ito.
Kaugnay nito imbitado rin sa hearing bukas ang Zoning,
Boracay Redevelopment Task Force (BRTF), Office of the Mayor, Brgy. Yapak
Officials at Department of Environmental Resources (DENR).
Napag-alaman na ang pagpapatawag ng committee hearing ng
Sangguniang Bayan ng Malay ay para maayos ang isyu ng construction ng Ocean
Park sa Puka beach na patuloy ngayong umaani ng ibat-ibang negatibong reaksyon
sa mga nitezens sa social media.
No comments:
Post a Comment