Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Aminado ang MPDO o Municipal Planning and Development
Office na hindi nila dati binigyan ng zoning clearance ang Ocean Park project
sa Barangay Yapak.
Ayon kasi kay Malay Municipal Planning Officer Alma
Beliherdo, forest Land ang klasipikasyon ng lupang pagtatayuan ng proyekto base
na rin sa CLUP o Comprehensive Land Use Plan ng Malay.
Subali’t nagsumite umano ang developer ng proyekto ng
sertipikasyon mula sa DENR o Department of Environment of Natural Resources.
Base sa sertipikasyon, exempted o labas na sa forest classification ang lupa
dahil isa umano itong tituladong lugar.
Base pa sa CLUP, sinabi din ni Beliherdo na classified as
‘high end’ tourist commercial zone ang lugar kung kaya’t binigyan nila ito ng
karagdagang clearance.
Samantala, magugunitang umani ng iba’t-ibang rekasyon
mula sa social media ang nasabing proyekto dahil sa mga isyung kapaligiran.
No comments:
Post a Comment